MANILA – Sadyang binangga ng isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang sibilyang barko ng Gobyernong Pilipinas, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea noong Setyembre 18, 2026

Ayon sa Philippine Coast Guard, unang tumawid ang Chinese vessel sa likuran ng BFAR vessel bago ito muling lumapit at tumama sa barko. Nagdulot ang insidente ng malaking pinsala sa bahagi ng BFAR vessel, kabilang ang pagkasira at pagkatanggal ng mga railing at ilang metal support structures.


Tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na paglabag sa international law ang insidente, na naganap 54 nautical miles mula sa Palawan at nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.