Pinulbos ng San Narciso ang San Marcelino

Pinaiyak at hindi pinaisa ng San Narciso ang San Marcelino sa larong Basketball 3×3, Provincial meet sa San Guillermo National School, San Marcelino, Zambales ngayong Enero labing lima, Huwebes ng umaga, 10:35 a.m. taong kasalukuyan.

Simula palang ng laban ay sobrang init na dahil sa pagiging maliksi ng dalawang koponan ngunit hindi pinapaisa o pinapayagan ng San Narciso ang San Marcelino na makapuntos. Kung kaya’t hindi makapuntos o makashoot man lang ang San Marcelino. Halata mong dumediskarte na ang San Marcelino ngunit wala pa rin. Kung kaya’t nakuha ng San Narciso ang unang laban, 10-4.

Nangunguna si Ramos #57 sa parating nakakaiskor sumusunod naman si Sanchez #99, ang dalawang ito ang nag kokontesta sa iskor. Bagaman nahirapan ang San Marcelino ay nakakapuntos pa rin naman kahit papaano, ngunit hindi papayag ang San Narciso na mataasan o mapuntusan sila ng kalaban kung kaya’t binabawian nila ito ng maraming puntos, at dahil sa pagiging handa at page-ensayo ng matagal ay nakuha ng San Narciso ang kanilang kinakamit, 20-12.

“Ang sabi ko sakanila ay unahan na nila para manalo sila” wika ni John Rae Sadera coach ng San Narciso. Mukhang napaghandaan ito ng mabuti dahil nanalo sila. Sino nga bang hindi mananalo kung hindi ito napaghandaan hindi ba?

Leave a Reply