Mini PressCon na Naganap sa San Marcelino Zambales

Isang Mini PressCon ang ginanap rito sa San Guillermo National School sa San Marcelino Zambales, Enero labing-lima taong kasalukuyan. Kabilang narin sa mga dumalo ay ang Active Chief of Police, San Marcelino Station na si Exudus C. Rodriguez, Siya ay dumalo sa pagtitipon na ito upang mag bigay ng pahayag sa mga mag-aaral at dahil siya rin ay isa sa mga husgado.

Siya ay nag-bigay pahayag ukol sa mga kaso at pagbabago nitong mga nakaraang taon ukol nito, Siya raw ay masayang ang mga kaso noon ay pa onti-onting nababawasan na “I am Very Proud and Happy kasi yung mga kaso noong mga nakaraang taon ay onti-onti ng nababawasan”. Ipinakita nya ang mga tala ng kaso noong Dalawang libo’t dalawam’put apat taong nakaraan at ikinumpara ang bilang ng mga aksidente, pag nanakaw, pag-patay sa nag daang taon lamang Dalawang libo’t dalawam’put lima, At makikita nga rito ang malaking pag babago ng mga kaso tulad na lamang ng mga, aksidente sa kalsada na noong 2024 ay may labing-limang kaso ng mga na aksidente at noong 2025 naman ay bumaba ito sa pitong kaso lamang, Hindi lang yan kundi pati ang taong gumagamit ng illegal na droga na  noong 2024 ay 26 operations lamang ay nagging 40 operations noong 2025, Pati narin ang mga Wanted na tao na 16 lamang ang nahanap nila noong 2024 ay tumaas sa 32 na Wanted na tao ang nahanap nitong 2025, At mga kaso pa tulad nga Pag-dakot ng mga bata, Pag-gahasa ng mga batang babae, At iba pa.

Hindi lamang yan dahil kanyang ibinahagi rin ang mga ginagawa nila upang maka-tulong sa taong bayan, Sila ay nag bibigay ng libreng pag-tuturo sa mga bata sa paaralan, hindi lamang ang mga mag-aaral kundi ang mga batang hindi nakayang mapag-aral. Hindi lang ang mga  bata kundi pati ang mga kasamahan nila ay sama-samang nag eensayo ng mga bagong kagamitan, Sila’y sinasanay upang mas umusbong ang kanilang kagalingan upang sa biglaang aksidente ay handa silang tumulong sa taong bayan.

Kaniyang ipinatuloy at onti-onting sinagot ang tanong ng mga mag-aaral, “Paano po nakakatulong ang mga binigay nyong impormasyon sa mga Campus Journalist?” ika ng isang mag-aaral at agad naman na sinagot ni Sir, Exudus ang tanong ng mag-aaral, “Makikita yung Threat Situation na bumaba through there makikita natin ang effort ng PNP and LGU upang mapababa ang mga Threat Situation” sagot namn ni Sir, Exodus. Kanya pang sinagot ang iba pang katanungan, at kanya ng tinapos ang kanyang pahayag sa pag tanggap ng parangal na  ibinigay sakanya pagkatapos ng mga pahayag ng iba pang husgado.

Leave a Reply